Posts

Mapag-isa

Ako nga pala si John Benedict Marcelino. Simula pagkabata, kilala na ako bilang tahimik at mapag-isa. Sa tuwing may laro sa kalsada, ako yung batang nasa gilid lang, nanonood habang hawak-hawak ang laruan kong ako lang ang may alam kung paano laruin. Hindi ako sanay makipag-usap sa ibang bata. Minsan, sinusubukan nila akong isama sa laro, pero madalas akong umiling. Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil natatakot akong magkamali o pagtawanan. Mas pinipili ko pa ang maupo sa ilalim ng puno sa likod ng bahay, at magdrawing ng mga bagay na naiisip ko. Sa eskwela, habang ang iba ay maingay at nagtatawanan, ako ay nakaupo sa huling upuan, nakikinig lang sa guro. Sa recess, ako lang ang kumakain sa dulo ng mesa. Minsan, iniisip ko kung bakit ako naiiba, pero mas komportable talaga ako sa katahimikan. Lumipas ang mga taon, natutunan kong mahalaga rin pala ang mga sandali ng pagiging mag-isa. Doon ko nakilala ang sarili ko, natutunan ang mga bagay na gusto ko, at unti-unti kong naunawaan na hindi m...